Pabirong sinagot ng Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual ang tanong sa kaniya sa isang naganap na media conference noong Oktubre 19 sa Kao Manila, kung may balak pa siyang magkapamilya nang sarili niya.

Nakakaloka ang tugon ni Papa Pi!

"I guess, in time. Siguro kapag tuli na 'ko. Joke lang," hirit ni Piolo na habang tumatawa.

"Kapag malaki na po ako. Now kasi bata pa ko eh."

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Sundot pang biro ng Kapamilya actor, sa ngayon daw ay marami pa siyang "labada" kaya wala pa siyang oras para sa pagse-settle down.

Ang mahalaga raw sa kaniya ngayon, nariyan ang anak niyang si Iñigo Pascual at nakakagawa pa siya ng mga proyekto sa showbiz.

Nagbabalik-pelikula na nga siya at kakaiba ang role niya dahil gaganap siyang killer priest. May pamagat itong "Mallari" na isa sa 10 pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Ito ang unang beses na bibida sa isang suspense-horror movie ang aktor.

Sa isyu naman na nabuntis niya si Shaina Magdayao, ang kaniyang rumored girlfriend, natatawang sinabi ni Piolo na mabuti pa raw ang ibang tao ay alam ito, nang makorner pa siya ng ibang press peepz.

Inilarawan naman niya na "very beautiful" kung anuman ang ugnayang namamagitan sa kanilang dalawa ng aktres.

MAKI-BALITA: Shaina nagsalita sa tsikang binuntis siya ni Piolo

MAKI-BALITA: Piolo sa chikang sila na ni Shaina: ‘What you see is what you get’

MAKI-BALITA: Limang taong ‘exclusively dating’ nina Piolo at Shaina, nauwi na ba sa espesyal na ugnayan?