Tuguegarao City, Cagayan — Inaresto ng magkasanib-pwersa ng PDEA Region II at lokal na pulisya ang limang indibidwal sa Muslim Compound ng Brgy. Centro 10 dito, Biyernes, Oktubre 20.

Naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Abbas Regaro at Juhayber Limpao dahil sa Search Warrant No. 48-2023.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasamsam mula sa kanila ang 24 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang hindi bababa sa 155 gramo na may halagang ₱1,007,500, at assorted drug paraphernalia.

Sa bisa ng Search Warrant No. 49-2023 naaresto ang isa pang suspek na si Norhaya Sabdula. Nasamsam mula sa kaniyang ang isang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng umano’y shabu na may halagang P13,600 at marijuana dried leaves na may timbang na 500 gramo na may tinatayang halaga na ₱60,000.

Nakuha rin ng operatiba kay Sabdula ang iba’t ibang klase ng drug paraphernalis at isang ammunition para sa caliber 9mm.

Samantala, naaresto rin ang mga suspek na sina Ryan Regaro at Mohamar Regaro dahil sa Search Warrant No. 50-2023. Nakumpiska sa kanila ang plastic sachets na may 70 gramo ng umano’y shabu at tinatayang nagkakahalagang ₱476,000, at drug paraphernalia.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang mga suspek.