Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Filipino community sa Riyadh, Saudi Arabia kasunod ng pagtatapos ng Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit nitong Oktubre 20.

Sa pakikipagkita ni Marcos sa mga Pinoy sa naturang lugar, pinasalamatan niya ang mga ito para sa kanilang mahalagang kontribusyon sa ating bansa.

Sa kanyang mensahe, pinagtibay ng Pangulo ang dedikasyon ng pamahalaan sa kapakanan ng overseas Filipino workers at ipinarating din ang mga programang nakalaan para sa kanila, gaya ng OFW pass.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Hinikayat din ni Marcos ang komunidad na ibahagi ang kanilang kasanayan sa kapwa nila Pinoy.

Kinilala rin ng Pangulo ang kanilang pagiging "cultural ambassadors" kung saan patuloy na isinusulong ang turismo sa Pilipinas.