Nagbigay na ng pahayag si Arnold Vegafria, ang manager ni Baron Geisler, na kumokontra tungkol sa isyu ng hindi magandang behavior ng aktor na binabalita raw ng ilang mga showbiz reporters, na ibinahagi niya naman sa kaniyang Facebook account.

Paglilinaw ni Arnold, hindi raw tinanggal si Baron sa teleserye ng ABS-CBN na “Senior High” nang dahil sa hindi maayos na ikinikilos o gawi.

Naka-temporary break lang daw si Baron at may clearance raw ito sa producer ng teleserye na ipinagkaloob sa kaniya, sa kadahilanang naka-focus daw si Baron sa dalawang movie projects na ginagawa, local at international.

Babalik din daw ang magaling na aktor sa naturang teleserye once matapos ang dalawang pelikula.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Pagtatapat pa ni Arnold na nagkaroon na raw sila ni Baron ng heart to heart talk kamakailan lamang at nakita raw niya ang pagbabago ng aktor mula noong maging bad boy ito sa mga nagdaang taon.

Ayon pa kay Arnold, nanatiling talented, world-class at award-winning si Baron na alam naman ng lahat. Dahil daw sa pagbabagong buhay ni Baron, isa raw itong inspiring story. Kaya hindi na raw siya nagdalawang-isip na ibalik muli at i-handle ang aktor under his management.

Umaasa raw si Arnold na matapos na ang mga wala umanong basehang alegasyon at iwasan na ang kahit anumang unfair judgment hanggang mavalidate ang katotohanan.

Matatandaang ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz ang nag-ispluk hinggil sa isyung ito, sa kaniyang vlog na "Showbiz Update."

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nanindigan sa sinabi kay Baron: ‘May isyu naman talaga’

Nagbigay na rin ng sariling pahayag si Baron hinggil dito sa pamamagitan ng kaniyang X post.

MAKI-BALITA: Baron, nagsalita na sa isyung natatakot sa kaniya ang mga ‘Senior High’ co-star