Binibili ng isang cryptocurrency trader kay Boss Toyo ng “Pinoy Pawnstar" ang Francis M. collection sa halagang ₱8 milyon.

Mapapanood sa video ni Boss Toyo ang paglapit sa kaniya ng isang cryptocurrency trader na si Marvin Favis upang bilhin ang jersey at iba pang polo na memorabilia ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?

Noong una, halagang ₱1 milyon ang offer ni Marvin kay Boss Toyo para sa jersey.

Matatandaang nabili ito ni Boss Toyo sa umano'y ex-lover ni Francis M. sa halagang ₱500,000 matapos niyang mabatak mula sa ₱700,000.

“Wala malabo ‘yung ₱1M sobrang labo,” sabi ni Boss Toyo.

Ang counter offer pa ni Marvin ay bibilhin niya ng ₱2.5M ang naturang jersey at ₱5M naman ang tatlong polo ng Master Rapper— at kung package bibilhin niya ito ng ₱8M.

Inamin naman ni Boss Toyo na nate-tempt siya sa malaking halaga.

“Nate-tempt pero siyempre na-ano ko pa rin na kailangang i-preserve natin ‘to. Nakaka-goosebump lang kasi may tumatawad na ng ₱8M,” saad niya.

Sa huli, hindi ibininenta ni Boss Toyo ang Francis M. collection dahil hindi niya pa naiisip ibenta ang mga ito na tinatawag niyang “holy grail.”

Kaugnay na Balita: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?