National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nakapagtala pa ng 104 rockfall events ang Mayon Volcano, ayon sa 24-hour monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, aabot din sa siyam na pagyanig ang naramdaman sa paligid ng bulkan.

Nagbuga rin ng puting usok ang bulkan at ito ay umabot sa 200 metrong taas bago tinangay ng hangin pa-kanluran hilagang kanluran.

Nagkaroon din ng lava flow na umabot sa 3.4 kilometro sa Bonga Gully.

Naapektuhan naman ng rumagasang lava ang 2.8 kilometrong bahagi ng Mi-isi Gully.

Nakataas pa rin sa Level 3 ang alert status ng bulkan dahil sa nakaambang pagputok nito.

Bahagya naman kumalma ang Taal Volcano at Bulkang Kanlaon.

Sinabi pa ng Phivolcs, tig-dalawang pagyanig ang naramdaman sa dalawang bulkan sa nakaraang 24 oras.