Walang nanalo sa jackpot na ₱52.2 milyon sa naganap na Ultra Lotto 6/58 draw nitong Oktubre 20.

Sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabigo ang mga mananaya na mahulaan ang winning combination na 25-54-48-50-37-29.

Dahil dito, asahang madadagdagan pa ang jackpot nito na ₱52,222,306.80 para sa susunod na draw nito.

Binobola ang Ultra Lotto kada Martes, Biyernes at Linggo.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail