Nagbigay ng update ang tinaguriang "Optimum Star" na si Claudine Barretto na magbabalik-teleserye na siya, at gagawin niya ito sa GMA Network.

Batay sa kaniyang Instagram post, ang titulo ng serye ay "Lovers and Liars." Wala pang detalye kung siya ba ang bibida rito at kung sino-sino pa ang mga makakasama niya, ngunit mukhang pagsasanib-puwersa ito ng GMA at Regal Entertainment. Ang kuwento ay mukhang base o sa direksyon naman ni Jose Javier Reyes.

Kalakip ng IG post ang panayam sa kaniya ng isang showbiz reporter ng GMA Integrated News.

"LOVERS & LIARS finally my Claudinians/Palanggas my Teleserye that we all have been waiting for.🙏 thank u so much to GMA,REGAL & @arnold_vegafria @alvtalents," mababasa sa kaniyang caption.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Marami naman sa mga tagahanga at tagasuporta ni Claudine ang nagpahayag ng pananabik sa muling pagbabalik ni Clau sa telebisyon.

Matatandaang nauna nang kumalat ang tsikang kasama siya sa unang teleserye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle, ang "Can't Buy Me Love" sa ABS-CBN, subalit tila hindi naman ito totoo, dahil ang gumanap na nanay ni Caroline (Belle) ay si Shaina Magdayao.

Hindi naman na bago ang pagganap ni Claudine sa isang show sa GMA matapos niyang lumundag dito noong 2009 hanggang 2012.

Kamakailan lamang ay nagsama sila sa isang episode ng "Wish Ko Lang" ng primera kontrabida na si Gladys Reyes, na isa naman sa mga nagpaabot ng pagbati sa kaniyang bagong proyekto.