Kung sakali raw "suwertihin" at ma-extend pa nga ang relyebong noontime show na "It's Your Lucky Day" sa suspendidong "It's Showtime" at hindi kaagad tigbakin, tila nagpa-survey sa publiko si Kapamilya host Luis Manzano kung sa aling timeslot ito dapat ilagay.

Sa verified Facebook account ni Luis na may pangalang "Lucky Manzano" na may 3.1-M followers, mababasa ang ganito, "Kung sakali lang na maging Lucky nga (di masama mangarap), ano mas gusto niyo sa it’s your Lucky day, before Showtime or before TV Patrol, at bakit?"

At batay sa naging trending na sagot daw ng mga netizen sa X, mas bet ng mga tao ang timeslot na "Before TV Patrol."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Nag trending pala kagabi, hanggang ngayong umaga 🥰🥰 Hey! Hey!" mababasa sa caption ng isa pang Facebook post.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Kung sariling timeslot, before It's Showtime... pero kung hindi ay Before TV Patrol na lng... Kasi mababawasan ng oras/air time ang It's Showtime, madami mabibitin..."

"after tv patrol nlng po 😄para after makapanood ng badnews eh kht papano may nkktawang mukhang makikita🤣🤣🤣jokez lng 🙈"

"B4 tv patrol po, kc pg bgo mgshowtime dipo ako mkkapanood dhil busy pko sa mga oras n un."

"Itapat sa TikToClock o kaya sa Family Feud ni Dingdong."

"Before It's Showtime! 10am to 12 noon para may kapalit na yung Be Careful with my Heart ni Jodi Sta. Maria."

Matatandaang dahil sa magandang feedback sa show, umaasa ang mga netizen na sana raw ay huwag nang tsugihin pa ang show matapos ang dalawang linggo at ilipat lamang ng oras kapag bumalik na ang It's Showtime.

Samantala, wala pang pormal na pahayag ang ABS-CBN hinggil dito.

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day,’ hinihiritang ilipat ng timeslot ‘pag bumalik ‘It’s Showtime’