Ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin sa kaniyang vlog na “Showbiz Now Na” noong Martes, Oktubre 17, ang nasagap na tsika tungkol sa hindi umano pagbibigay ng ayuda ni “Unkabogable Star” Vice Ganda sa mga “It’s Showtime” staff.

Matatandaan kasi na kumalat kamakailan ang bali-balitang magbibigay umano ng ayuda si Vice sa mga staff ng “It’s Showtime” sa oras na ibasura ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang apela ng pamunuan ng noontime show kaugnay sa 12-day suspension nito.

Maraming natuwa sa ulat na ito dahil kahit si Vice umano ang dahilan kung bakit ipinataw ang suspension, nagpakita pa rin siya ng kabutihan ng puso. Pero napaglaman umano ni Cristy na wala naman daw palang ibinibigay na ayuda si Vice.

“Siyempre, hindi na sila [staff] magtatanong, ‘akala ko ba bibigyan mo kami tapos wala naman pala’. Wala namang magsasalita ng ganoon, e.” sabi ni Cristy.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Hirit naman ng co-host niyang si Wendell Alvarez: “Alam mo, ‘pag pinangakuan mo kasi ang tao, aasa ‘yun.”

“Kasi ang katwiran niya siguro, ‘yun lang namang mga host ang ano, e, ang suspended. Pero ‘yung staff and crew, sila din ang magmamando,” paliwanag pa ni Cristy.

Bakit pa nga naman daw kasi magbibigay si Vice kung tuloy pa rin naman daw ang trabaho ng mga staff sa relyebong “It’s Your Lucky Day” at sila ang nakatengga.

Pero sa kasalukuyan, wala pang pahayag, reaksiyon, o tugon si Vice Ganda hinggil dito.

MAKI-BALITA: Vice Ganda may pa-ayuda sa It’s Showtime staff pag natuloy suspension