Tila tuloy-tuloy na ang pagsusulong ng adbokasiya ni motivational speaker na si Rendon Labador matapos niyang ianunsiyo nitong Martes, Oktubre 17, ang kaniyang pakikipagtulungan sa PNP Anti-Cybercrime Group.

Matatandaang noong Setyembre ay nabura ang Facebook page ni Rendon at matapos ang halos ilang buwan ay bumalik din naman ito. Kaya ngayong nakabalik na siyang muli, gagamitin niya umano ang pagkakataong ito para bigyang boses ang mga Pilipinong hindi naririnig.

“Dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong makabalik dito sa facebook, gagamitin ko lahat ng suporta na ibibigay ninyo para i-boses ang mga kababayan nating hindi naririnig at para sa mga taong hindi kayang ipaglaban ang kanilang mga karapatan! Makiisa at tulungan akong i-tama ang mga mali at patalinuhin ang mga Pilipino!” pahayag ng motivational speaker.

Dagdag pa niya: “Gusto ko pong magpaabot ng pasasalamat sa kabuuan ng PNP!!! Lalong-lalo na sa pamumuno ni Police Major General Benjamin Acorda, Jr. (Chief PNP), Director of Anti-Cybercrime group PBGEN Sidney Hernia at syempre sa ating magiging kasanga sa ating advocacy, ay walang iba! ACG Spokesperson Capt. Michelle Sabino Capt. Sabino's Cyber Crime Page.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa huli, binantaan pa niya ang mga mapagsamantala at hinikayat pa ang mga ito na magbago na.

“Kayong mga mapagsamantala, bilang na ang mga araw ninyo! Magbago na kayo, si Rendon Labador nga nagbago na, ikaw pa kaya??? Sino ka ba?!”

Matatandaang kamakailan lang ay binanatan niya pa ang inirereklamong toy collector at dating miyembro ng Streetboys na si Yexel Sebastian, na nasasangkot umano sa ₱200-M investment scam.

MAKI-BALITA: Yexel ‘lagot’ kay Rendon: ‘Bilang na masasayang araw mo!’ – Balita

MAKI-BALITA: Rendon hahagilapin si Yexel Sebastian sa Japan: ‘Salot sa lipunan!’ – Balita

MAKI-BALITA: Rendon ‘LabLabLabador’ balik-Facebook: ‘Namiss n’yo ba ako?’ – Balita

MAKI-BALITA: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na – Balita