Trending sa social media ang video ng pa-acting workshop ng showbiz columnist-talent manager na si Ogie Diaz sa mga nag-enrol na participants dito.

Naaliw ang mga netizen sa ginamit na linyahan upang maipakita ang emosyon ng galit na "Hayop ka, may araw ka rin! Mabubulok ka sa impyerno!"

Makikitang nakaalalay naman si Ogie sa mga bagets na nangangarap maging artista at tuluyang mapasok ang mundo ng showbiz.

Pero isang netizen naman ang napatanong kung ano raw ang credential ni Ogie para magsagawa ng acting workshop.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Wait pero ano po background ni mama ogs in terms of acting at bakit sya yung nagtuturo? Nagtheater po ba sya or actor po ba sya before naging host?" tanong nito.

Sagot ni Ogie: "Dati po akong dishwasher sa resto."

Sa mga walang ideya, matagal nang umaarte si Ogie at napasama na nga sa iba't ibang pelikula, serye, at sitcom sa ABS-CBN.

Noong Oktubre 16 ay nag-post ng advertisement si Ogie tungkol sa kaniyang acting workshop.