Naglunsad ng bagong press center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules upang labanan ang mga pekeng impormasyon na natatanggap ng milyun-milyong benepisyaryo ng mga programa ng ahensya.

Bukod sa inilunsad na New Press Center (NPC), lumikha rin ang ahensya ng Viber Community Channel para sa kahalintulad na layunin.

“Ang layunin natin dito is we want to make sure that we are communicating properly yung mga program ng ating departamento, pati na rin magkaroon ng forum or venue kung saan pwede niyo (media partners) rin kaming tanungin dun sa mga pressing matters na gusto niyong talakayin o linawin,” paglilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na nanguna sa inagurasyon ng NPC sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon City.

Ang nasabing hakbang ay bahagi rin ng pagpapatibay ng relasyon ng DSWD at ng mga mamamahayag sa bansa.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

“In this age of disinformation and misinformation, important talaga ang pakikipagtulungan natin with media. With the help of our media friends, kahit papaano nami-mitigate iyong effect at nalalabanan natin ang misinformation na nakaaapekto sa ating mga beneficiary," pahayag naman ni DSWD Spokersperson Romel Lopez.

May dagdag na ulat ng PNA