Inamin ng hunk actor na si Diether Ocampo na natatakot umano siya sa kasal nang kapanayamin siya ng newscaster na si ">Korina Sanchez kamakailan.

Pero bago ‘yan, una munang tinanong ni Korina kung bakit daw hindi siya pumasok sa mundo ng pulitika sa kabila ng pagkakaroon ng pagkakataon.

“Dahil nakikita ko, may mga bagay ako na hindi ko kayang gampanan. May mga pagkakataon na minsan kung papasukin mo ang isang bagay, gusto mo na kaya mong panindigan,” sagot ni Diether.

Dagdag pa ng hunk actor: “Ayaw kong ipilit ‘yung sarili ko sa bagay na pagdating ng panahon sasabihin ko, teka ba’t ko nga ba pinasok ‘to?”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Tulad ng kasal?” segwey bigla ni Korina na tila ikinagulat naman ni Diether.

Sagot ni Diether: “Ang kasal naman kasi, hindi para sa lahat. Malaki ang respeto ko sa kasal lalo na sa mga kaibigan ko at mga kasamahan ko sa pamilya na tumatagal ‘yung kanilang pagsasama.”

Pero para kay Diether, hindi madali ang pagpapakasal. Lalo na raw kapag lumalaki ang pamilya at may mga ginagawa ang dalawang tao na involve sa isang relasyon na hindi sang-ayon sa interes ng isa’t isa.

“Marami na akong mga kaibigan din na dumaan diyan at ako eh naging saksi. Napanghingan din ng sama ng loob. At masakit na makita mo na nagkaganoon sila. Ayaw kong mangyari sa akin ‘yun. Natatakot ako,” paliwanag niya.

Gayunpaman, alam niya sa sarili na kailangan niya ng katuwang at makakasama. Pero ang tanong, sino?

“At ‘yun ang hindi minamadali. Kung darating, darating. Kung sina George Clooney ilang taon na bago nakapagpakasal, di ba?”

Sa parehong panayam ding ito ibinahagi ni Diether ang kaniyang dream role.

MAKI-BALITA: Diether Ocampo, pangarap gumanap sa mga historical film