Nagbahagi ng nararamdaman si Kapamilya star Andrea Brillantes sa kaniyang X account noong Lunes, Oktubre 16.

“Minsan talaga feeling ko may jowa padin ako eh, nag tatampo na ako pag di nag rereply si bea 🙄😂” pahayag niya sa kaniyang post.

Si Bea Borres ang Bea na tinutukoy ni Andrea sa kaniyang post na matalik na kaibigan ng huli. Ilang beses na niya rin itong nakasama sa kaniyang mga vlog.

Humakot naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang sinabing ito ni Andrea. Narito ang kanilang mga komento:

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“ako nalang kasi ang e text mo, mabilis ako mag reply promise. Love you B!”

“Hintayin mo na mag reply ako hahahaja peace”

“Ganon😆busy ang beshy natin ano kaba blythe HAHAHAHAHA”

🤣 bea naman. @bela_delapasion

“Babes sana makita ka na namin sa #ItsYoutLuckyDay”

“Same to my BFF hahahha gusto ko kasi pag ng chat ako or ng text gusto ko reply agad hahahah parang jowa nagagalit pag hndi na replayan agad. 😂🤣😂 so meeee!!!!”

“Ako jowain mo blythe”

“nagrerelapse pa daw siya behhh😭😭”

“ako be chat mo emz, kahit tamad ako magreplay bsta ikaw walang tamad2😂”

“@bela_delapasion suyuin mo! HAHAHA”

“Relate here🙈🤦🤣 hoy @notursweetcandy parang ako🤭🤣😂”

“paramdam ka naman @bela_delapasion hahah”

“Ayieee ako na lang chat mo kasi promise re reply ako agad agad Blythe minisecond pa lang”

“sana pansinin mo na naman ako kasi nagtatampo na rin ako e”

“HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHA CUTE”

Matatandaang kagagaling lang ni Andrea sa break-up sa basketball player na si Ricci Rivero matapos ma-link ng huli kay Beauty Queen at Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

MAKI-BALITA: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet

MAKI-BALITA: Ricci Rivero, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes