Pinuri ni showbiz columnist Ogie Diaz ang hunk actor na si Piolo Pascual sa “">Showbiz Updates” noong Lunes, Oktubre 16.

Ayon kay Ogie, isa raw si Piolo sa mga hinahangaan niya sa showbiz industry dahil wala siyang naririnig na paglaki ng ulo ng aktor mula sa mga production staff. Sinang-ayunan naman ito ng kaniyang co-host na si Mama Loi.

“Wala akong narinig mula sa mga production staff na nagrereklamo sa kaniya. Bagkus ang mga naririnig natin eh ‘yung mga tulong na naibibigay ni Papa P ‘pag gusto niyang tulungan ‘yung isang taga-production,” sabi ni Ogie.

Kaya naman hindi nakakapagtaka kung bakit sobrang pinagpapala ang hunk actor. Kahit big star na, mapagkumbaba pa rin. Naikuwento pa nga ni Mama Loi na noong nakaraang ABS-CBN Ball ay si Piolo pa umano ang lumapit sa kanila ni Ogie.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“‘Yung iba, sila ‘yung nilalapitan. Pero si Papa P, lahat ng nilalapitan niya niyayakap niya. Binabati niya,” dagdag pa ni Mama Loi.