Magandang balita dahil bukas na muli ang Laon Laan Station ng Philippine National Railways (PNR).

Sa abiso ng PNR, nabatid na ang naturang istasyon ay binuksan muli sa mga pasahero dakong ala-1:00 ng hapon nitong Martes, Oktubre 17.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Anang PNR, ito'y matapos ang matagumpay na pagkukumpuni at rehabilitasyon ng nasabing istasyon para sa kaligtasan ng mga pasaherong sumasakay at bumababa rito.

"MAGANDANG BALITA: Nais pong ipabatid ng Philippine National Railways (PNR) na mula 1:00 ng hapon, October 17, bukas na po muli para sa mga pasahero ang Laon Laan Station," anunsiyo pa nito.

Pagtiyak pa nito, "Hangad po namin ang isang ligtas at komportableng biyahe ng bawat pasahero ng PNR."