Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Oktubre 17, na 9.34% o 92 sa 985 examinees ang nakapasa sa October 2023 Veterinarian Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Juridico Babiano mula sa De La Salle – Araneta University, Inc. (GAUF) bilang topnotchers matapos silang makakuha ng 84.28% score.

Wala naman umanong naging kwalipikado para sa top performing school sa October 2023 Veterinarian Licensure Exam.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Oktubre 11 hanggang 13, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Rosales, at Tuguegarao.

National

VP Sara, inaming naging ‘cold’ si Sen. Imee: ‘Wag mainis sa’kin, mainis siya kay Martin!’

Ayon pa sa PRC, nakatakdang maganap ang online appointments para sa issuance ng Professional ID at Certificate of Registration para sa bagong veterinarians sa Nobyembre 13 hanggang 15, 2023.