Nagbigay ng komento ang motivational speaker na si Rendon Labador sa isang artikulo ng isang online news platform kaugnay kay Cristy Fermin nitong Linggo, Oktubre 15.

“Pag dumadaan sa news feed ko si Cristy Fermin kinakabahan ako malapit na ang halloween,” saad ni Rendon sa comment section.

Photo courtesy: Rendon Labador (FB)

Natawa naman ang mga netizen sa naging pahayag ni Rendo. Hindi tuloy nila napigilang magbigay ng kani-kanilang reaksiyon. Narito ang ilan sa kanilang komento:

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“sabi ni tita cristy fermin pang all saints day ka nman daw ✌️😝”

“ahhahaah di na ba nia kelangan mag costume ???? Given na dw🤣”

“grabe ka naman idol 😅”

“Rendon Labador weh gusto mo nga diligan si madam kristy kalwari kapa GUSTO molang gawin sugar,mami si madam kristy eh AKO dito SIMPLE tao lang iwas ka malaki lang KATAWAN mo pero maliiit itlog mo”

Hindi ito ang unang pagkakataong nagparinigan ang dalawa. Sa katunayan, noong Agosto ay pinatutsadahan ni Rendon sa Cristy nang sabihin niyang buhay pa pala ang huli. Akala niya kasi, matagal na itong patay.

Sinabi ito ni Rendon matapos magpasaring ni Cristy sa kaniyang programang “Cristy Ferminute” tungkol sa isa umanong tolongges na mahilig makisawsaw sa mga isyu ng mga artista at sikat na tao.

Pero hindi pa diyan natatapos ang lahat. Matatandaang sinabihan din ni Cristy si Rendon na nagpapapansin na naman matapos makisawsaw ng huli sa isyu ng “lubid joke” ni Joey De Leon.

Kaya nang bumalik ang Facebook page ni Rendon, isa si Cristy sa mga binanatan ng motivational speaker.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag, tugon, o reaksiyon ang showbiz columnist ugnay sa isyung ito.