Trending sa X ang "It's Your Lucky Day" host na si Luis Manzano na patuloy na umaani ng mga papuri at magagandang feedback mula sa netizens at manonood ng programang pansamantalang pumalit sa suspendidong "It's Showtime."

Lalo pang humanga ang mga netizen kay Luis matapos niyang mag-sign language sa isang studio contestant na bahagi ng deaf community, na gusto umanong humataw ng sayaw.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"STAN LUIS MANZANO!!!! Pambansang Host nga talaga siya!!"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Inclusivity ba kamo? Kudos to Luis Manzano!"

https://twitter.com/KafosoMo/status/1713782037495087593

"Wow! Luis Manzano communicating in sign language!!! 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻 our Kapamilya stars really catering to each individual that has needs! Bravoo!"

"no wonder why Luis Manzano is the pambansang host🤞"

"Good job Luis Manzano..Galing ng It's Your Lucky Day... Ang galing ng ABS CBN..Nakapag create ng ganitong show..Ang saya! Please hanapan ng Timeslot para sa It's Your Lucky Day! But still miss It's Showtime..Can't wait Miss U Grand Finals..."

Samantala, may mga nagsabi pa ngang puwedeng-puwedeng mahulma bilang "next Willie Revillame" si Luis.

MAKI-BALITA: Luis Manzano, next ‘Willie Revillame’ ng ABS-CBN?