Binigyang-linaw ni showbiz columnist Ogie Diaz sa latest episode ng “">Showbiz Updates noong Linggo, Oktubre 15, ang kaniyang binitiwang puna sa subplot ng karakter nina Anji Salvacion at Icidor Kobe o mas kilalang “Kice” sa TV series na “Linlang”.

“Sa ‘Linlang,’ di ba pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice? Medyo pilit eh,” pahayag niya sa kaniyang Instagram story kamakailan.

Dagdag pa niya: “Ang taas na ng kaba mo sa mga twists tapos bigla silang lalabas na parang wala namang chemistry o baka pwedeng sa ibang serye na lang sila magpakyut siguro.”

Ilang araw matapos niyang ibahagi ang nasabing IG story, sinita raw si Ogie ng ilang fans nina Anji at Kice dahil baguhan pa lang naman umano ang dalawa sa larangan ng pag-arte. Sino raw bang batikang artista ang hindi naging baguhan muna?

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pero paglilinaw ni Ogie: “Sinabi ko naman doon na baka naman pwedeng ilagay sila doon sa ibang teleserye kasi parang hindi nababagay dito ‘yung subplot nila. Nilalagyan ng love angle hindi naman nakakakilig.”

Nabubuwisit daw tuloy ang ibang tao dahil may inaabangan silang eksena tapos biglang lalabas ‘yung dalawa out of nowhere. Pero naiintindihan naman umano ito ni Ogie. Sinusubukan lang daw kasi ng Dreamscape Entertainment kung magki-click ba sa publiko ang tambalang Anji at Kice.

Matatandaang si Anji ang itinanghal bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother noong 2022. Naging bahagi naman si Kice sa Idol Philippines Season 2 at nakapasok pa sa Top 3.

MAKI-BALITA: Anji Salvacion, itinanghal na PBB Big Winner!

MAKI-BALITA: Idol Philippines S2 Top 3, nakilala na; netizens, umalma muli sa resulta?