Nagbahagi umano ng makahulugang post ang aktres, model, at host na si Lou Yanong sa kaniyang X account nitong Linggo, Oktubre 15, matapos ma-link sa aktor na si Markus Paterson.

“Get off my business we’re just friends 💀💀💀” saad umano ni Lou sa kaniyang post.

https://twitter.com/louyanong/status/1713420523835940866

Nagpahayag naman ang mga netizen ng kanilang suporta sa aktres. Narito ang kanilang mga komento sa nasabing post:

National

Davao Occidental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

“That's our girl, always speaking her brave mind when needed! Some exceptional girls have balls too! Miss Lou Yanong, you're amazing!👏👏👏”

“love when you leave people speechless talaga with your one-liners!!!!! 💯🤐 I’m just sorry that you have to resort to these just to get your point across. Ugh. Wish others could do better! Hugs, Lou 🤍 Padayon!”

“Hindi pa nila nabasa Yung OG friends na comment ni Markus. Mga bulag ata sila huehue”

“Hayaan mo sila Lou.”

“Hugs bebe loulou 🫂 ❤️”

“Love you enjoy your life whats make you happy”

Matatandaang sa parehong araw ay ibinahagi rin ni Markus sa kaniyang Instagram account ang mga larawan nila ni Lou na kuha noong nakaraang ABS-CBN Ball.

Tila hindi naman nagustuhan ng publiko ang nasabing post ni Markus. Sa katunayan, binanatan pa nga siya ng isang netizen at sinabihang magpakaama muna.

Kasalukuyan kasing may anak si Markus sa aktres na si Janella Salvador. Noong 2021, sinabi pa ng aktres na thankul umano siya sa pagiging “hands-on father” ni Markus.

Pero noong sumunod na taon, ibinuking ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na hiwalay na umano ang dalawa dahil sa “drinking problem” ni Markus.

MAKI-BALITA: ‘Di pa nakaka-move on—Lou Yanong iniiyakan pa rin si André Brouillette – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

MAKI-BALITA: Janella Salvador, thankful sa pagiging ‘hands-on father’ ni Markus – Balita

MAKI-BALITA:  Janella, nabubuwisit daw sa ‘drinking problem’ ni Markus; Kapamilya couple, nag-split na rin — Ogie Diaz

MAKI-BALITA: Mga larawan nina Markus Paterson, Lou Yanong, usap-usapan; may relasyon na ba?