Tila dismayado si Kapuso star-fashion socialite Heart Evangelista dahil sa "shadow ban" na isa umanong black propaganda para sa mga kagaya niyang social media personality at product endorser.

"Stolen contacts, black propaganda, hiring a 3rd party to shadow ban my contents in the end will not matter because I don't do this for fame," ayon sa cryptic post ni Heart kamakailan.

"I will keep doing this till I'm old and gray, even if no one is looking," aniya pa.

Hindi naman tinukoy ni Heart kung sino ang "3rd party" na tinutukoy niya.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Ayon naman sa latest update at tugon ni Heart sa isang netizen na nagtanong sa kaniya kung naka-shadow ban pa rin ang ilan sa content niya, sinabi ng misis ni Sen. Chiz Escudero na mukhang oo.

"Yup they are trying again. I am being spammed by so many accounts that don't follow so IG will shadow ban. Dirty tactics," ani Heart.

"I celebrate everyone to do what they love but I will not agree to this."

"To pull others down so you get a head start. To steal people's contacts that they worked on for years. Very bad."

Para sa mga hindi nakakaalam, ang "shadow ban" ay isang proseso kung saan ang isang sikat na tao o isang account sa isang online platform, tulad ng social media o online forum, ay itinatago o iniiwasan na makita ng ibang mga gumagamit nang hindi ito inaabisuhan o inilalantad nang explicit.

Ibig sabihin, ang taong ito ay maaaring magpatuloy sa pagpo-post sa platform, ngunit hindi ito nakikita o napapanood ng maraming tao.

Dahil dito, nababawasan ang views sa nabanggit na post kaya puwedeng makaapekto sa magegenerate na kita, o kaya naman, makaapekto sa pagkuha sa influencer bilang product endorser.

In short, ang nangyayari ay tila "pananabotahe."