Nagpahayag ng pangungulila ang comedy genius na si Michael V. o mas kilalang “Bitoy” sa kaniyang Facebook account nitong Linggo, Oktubre 15, dahil sa namayapa niyang amang si Mang Cesar apat na taon ang nakalilipas.

“During his last moments, ‘pina-alala ko sa kanya ‘yung mga huling travels namin. ‘Yung mga lugar na dati, sa TV lang namin nakikita; mga gamit na hindi namin kayang bilhin noon; mga pagkain na ini-imagine lang namin ang lasa,” saad ni Bitoy sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “Nakita ko naman ‘yung saya sa mata n’ya habang unti-unti s’yang napipikit. Sinabi ko rin sa kanya na lahat ng sarap at saya na natikman n’ya habang nabubuhay s’ya, walang sinabi kumpara du’n sa pupuntahan n’ya. Basta buksan n’ya lang ang puso n’ya, si Lord na ang bahala.”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pero sa kabila ng nararamdamang pangungulila, kampante naman umano si Bitoy na masaya ang kaniyang ama sa kinalalagyan nito ngayon.

Sa huli, ibinuking niya na fan umano ang tatay niya ni Gabby Concepcion.

Pumanaw si Mang Cesar noong Oktubre 12, 2019. Hindi naman nagbigay ng detalye si Bitoy sa naging sahi ng pagkamatay ng ama.