Hindi mapaparalisa ang pampublikong transportasyon sa nakatakdang transport strike sa Lunes, Oktubre 16.

Ito ang tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa isang pagpupulong nitong Linggo.

Kasama sa nasabing pulong balitaan ang pitong transport group na tinawag na 'Magnificent 7' na nauna nang nagpahayag na hindi sasali sa nasabing tigil-pasada.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Katwiran ni Abalos, nasa 95 porsyento pa rin ng transport group ang nakatakdang bumiyahe sa Lunes.

Kabilang sa mga naturang grupo ang Pasang Masda, the Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (Piston), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Stop and Go, at Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP).

Nauna nang nangako ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapakalat sila ng mga sasakyang maghahatid sa mga pasaherong mai-stranded.