Tila umayon ang tadhana sa aktres at singer na si Kristel Fulgar matapos niyang maka-TikTok ang South Korean actor na si Kim Jae-won nitong Sabado, Oktubre 14.

“May Korean actor na naliligaw sa pinas 😂” saad ni Kristel sa caption ng kaniyang post.

Sa video na kaniyang ibinahagi, sinayaw nila ni Kim ang kantang “Chinito” ni Yeng Constantino.

Tila nainggit naman ang maraming netizen sa pambihirang pagkakataon na dumating sa kaniyang buhay. Narito ang ilan nilang komento:

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Panalo ka na mareng kristel hahahahaa”

“Grabe kana tlga Kristel! 😂”

“😭 peborittttt ni lord opo”

“SUMUSOBRA KA NA TEL HA”

“OMOOOOO KRISTEL!!!! 😭❤️”

“ang haba ng buhok ni @kristelfulgar 😂”

“halaa kawawa naman ako”

Matatandaan na noong Agosto ay emosyunal pa niyang ibinahagi ang hindi natuloy on the spot hosting stint niya sa fan meeting ng isa ring Korean idol na si Seo In-guk.

Pero kahit ganoon, nagawa naman niyang makipag-selfie sa nasabing Korean idol.

MAKI-BALITA: ‘Kulang sa energy?’ Kristel Fulgar nagpaliwanag bakit na-elbow sa hosting – Balita

MAKI-BALITA: Kahit hindi naging host sa fan meeting: Kristel Fulgar, tagumpay na nakipag-selfie kay Seo In Guk