Ibinida ni Kapuso comedy star Pokwang na ilang "labada" o pagtatrabaho pa, mayayari na ang bagong ipinatatayong bahay, na makikita sa kaniyang Instagram post nitong Oktubre 14.

Kalakip ng kaniyang post ang mga kuhang larawan sa nabanggit na bagong balur.

"konti nalang po talaga 🙏🏼❤️ konting labada nalang woohooo tumatanggap po ako lalo na magpapasko hahahahhaa thank you papa God #toGodbetheglory #buhaysinglemom," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May property si Pokie sa Antipolo, Rizal at sa Morong, Bataan. Pero aniya, ipinagbenta na niya ito upang mawala ang mga "mantsa" at "bakas" ng nakaraan, lalo na dahil sa kaniyang ex live-in partner na si American actor Lee O'Brian.

Hirit naman niya noon sa tanong ng netizens kung bakit nagpapatayo pa siya ng bagong bahay, "Ganyan ako magalit kapag inaapi ako at pinapaiyak, ganyan ang nangyayari—dumadami ang property ko.”