Nagbigay ng tugon ang actress-mommy na si Jessy Mendiola kay Rendon Labador sa comment section ng isang entertainment website nitong Sabado, Oktubre 14, kaugnay sa “It’s Your Lucky Day” kung saan host ang kaniyang asawang si Luis Manzano.

Matapos kasing ipahayag ni Rendon ang kaniyang suporta kay Luis, tila nagpahiwatig si Jessy na mae-extend pa umano ang suwerteng dala ng nasabing programa.

““Malay mo malipat lang ng timeslot at humaba pa para magbigay ng kasiyahan sa mga tao. ❤” sabi ni Jessy.

Sang-ayon naman dito si Rendon: “Yesssss!!! Dapat dumami ang mga clean jokes para sa ikabubuti ng kabataan at Pilipinas! Suportahan ko si Luis!!! Lablab ❤”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang isa si Rendon sa mga naunang sumita sa “indecent act” nina Vice Ganda at Ion Perez “Isip Bata” segment ng “It’s Showtime”.

Isa ang nasabing ”indecent act” sa mga naging salik para patawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang noontime show ng 12-airing days suspension.

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’ – Balita

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB – Balita

MAKI-BALITA: Rendon Labador, suportado ang ‘It’s Your Lucky Day’