Usap-usapan ang makahulugang post ng "Bubble Gang" star na si Michael V o "Bitoy" tungkol sa kaniyang pagbabalik-tanaw sa pagsita ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pamunuan ng longest-running sitcom sa telebisyon dahil sa isang episode nila noong 2013.
Mababasa sa caption ng kaniyang Facebook post, "THROWBACK to when things got real for the Gang. " "We learn."
Probinsya
Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente
"We persevere."
Kalakip ng post ang isang throwback formal letter mula sa board para kay Michael V, na nagpapatawag sa kaniya bilang creative director at talent ng sitcom, tungkol sa umano'y "discriminatory at derogatory portrayal of a woman" kung saan naganap ang isang dayalogo sa pagitan ng MTRCB at Bubble Gang noong Disyembre 9, 2013.
Ang tinutukoy na episode na sinita ng MTRCB ay ang "Ang tinutukoy na portion ay ang "D Adventures of Susie Lualhati" na nagtatampok kay Rufa Mae Quinto.
Ayon sa Twitter post noon ni Bitoy ay naging maayos naman ang naganap na dayalogo sa pagitan ng dalawang partido.
Ngayon naman, napapatanong ang mga netizen kung ano ang intensyon ni Bitoy sa pagpo-post nito.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Ganito lang dapat ung sa Showtime, hindi 12 days suspension."
"Ganyan dapat."
"ganyan dapat sir Bitoy, if may mali, tanggapin at maging aral, yung iba na suspend dami pang excuses and nag mamalinis pa na 'wala daw masama' sa ginawa nila. and even pointing to others na 'sila din naman'."
"Ganyan po dapat, harapin at magpakumbaba, hindi katulad ng iba na sila na nga ang mali, nagmamalaki pa. Ayun bawal muna lumabas."
"Ang dami nang binabawal sa TV ngayon napaka KJ at sensitive na parang gusto puro misa na lang ipalabas sa TV knowing the timeslot of BG that time is late night."
Matatandaang suspendido ngayon ang noontime show na "It's Showtime" ng MTRCB sa loob ng 12 araw. Bago mangyari ito ay nakapag-guest pa si Bitoy sa programa kasama si Manilyn Reynes, para sa birthday surprise kay Ogie Alcasid.
Sa kasalukuyan, umeere ang "It's Your Lucky Day" bilang relyebo rito.
Sa nakalipas na mga taon, marami na ring mga programa at personalidad ang sinita at pinatawag ng MTRCB dahil umano sa iba't ibang paglabag sa kanilang mga inihaing panuntunan.