Isa ang idineklarang nanalo sa mahigit ₱147.3 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto draw nitong Oktubre 15 ng gabi.

Kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nahulaan ng solong mananaya ang 6-digit winning combination na 47-35-02-13-38-17. 

Inabisuhan ng PCSO ang nasabing nanalo na magtungo na lamang sa main office nito sa Mandaluyong city upang kubrahin ang premyo.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Gayunman, sinabi ng PCSO na babawasan ng 20 porsyentong buwis ang nasabing premyo alinsunod na rin Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.