Ibinahagi ng motivational speaker na si Rendon Labador sa kaniyang Facebook story nitong Sabado, Oktubre 14, ang screenshot ng kaniyang komento sa isang entertainment website kaugnay sa sa unang araw ng “It’s Your Luck Day”

Matatandaang inanunsiyo kamakailan na ang nasabing programa ang pansamantalang hahalili sa noontime show na “It’s Showtime” matapos itong patawan ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ng 12 airing days suspension.

“Luis! Ipakita mo kung sino ka! Congratulations sa 12 days show mo! Lablab ❤” saad ni Rendon.

Tumugon naman ang asawa ni Luis na si Jessy Mendiola sa nasabing komento ni Rendon: “Malay mo malipat lang ng timeslot at humaba pa para magbigay ng kasiyahan sa mga tao. ❤”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Yesssss!!! Dapat dumami ang mga clean jokes para sa ikabubuti ng kabataan at Pilipinas! Suportahan ko si Luis!!! Lablab ❤” sabi pa ni Rendon.

Pero bukod kay Rendon, tila maganda rin ang impresyon ng netizens sa programa. Sa katunayan, pwedeng-pwede pa nga raw maging next ”Willie Revillame” si Luis.

MAKI-BALITA: Luis Manzano, next ‘Willie Revillame’ ng ABS-CBN? – Balita