"VHONG NAVARRO OUT, ARGUS IN?"

Kinagiliwan ng netizens ang “Batang Cute-po” na si Argus Aspiras nang sayawin at kantahin niya ang “Totoy Bibo” na pinasikat ni Vhong Navarro noon.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sa inupload ng Star Music PH ang video clip ng dance production ni Argus sa kanilang Facebook page.

Mapapanood sa naturang video ang cute na cute na performance ni Argus. Mapapanood din ang reaksyon ni Vhong, na siyang original singer ng “Totoy Bibo.”

“Vhong Navarro is out, Argus is the new Totoy Bibbo! 😆 May panghahamon pa eh! 🤣” saad ng Star Music sa caption.

Ngayong Biyernes, Oktubre 13, inilabas ang"> full version ng “Totoy Bibo” ni Argus.

Sa comment section ng naturang post, maraming netizens ang na-cutean sa naging performance ni Argus.

"Cute nang reaction ni vhong😄"

"Galing naman c Arguz👏👏👏"

"Galing 🥰🥰🥰parang bunsong anak ni vhong c argus 😊"

"Go argus sooooooo proud of u...congrats both parents😊"

"Wow!!! Galing naman ni Argus ang cute cute pa😍😍👏👏👏"

"Wow!!Galing naman talaga ni Argus.."

"Wow! What an amazing voice! You are a little star Argus!"

"Sooo happy to see how the Showtime hosts are so proud of these kids!"