Matapos maitala ang kaniyang “Ere” bilang kauna-unahang OPM na nakapasok sa global chart ng spotify, tila ginanahan ang singer, songwriter, at actor na si Juan Karlos Labajo na mag-release ulit ng kanta. 

Inihayag kasi niya sa kaniyang Facebook account kamakailan ang matagal na umano niyang planong gumawa ng isang Christmas song.

“hahaha sorry survey lang pero matagal ko na kasi gusto magsulat ng xmas song tingin niyo okay lang kung mag release ako for this year???” saad ni JK sa kaniyang post.

'Ere' ni JK Labajo, unang OPM na nakapasok sa global chart ng Spotify

Aprub kaya ito sa kaniyang fans? Para malaman, narito ang ilang tugon nila mula sa comment section ng nasabing post.

“YES AABANGAN NAMIN YAN JK BUNSO.”

“THAT Will be Awesome! Sing for us tunkol sa pasko”

“Yes idol JK! 😊 Looking forward💙”

“ay gooo na eh release na ang dapat eh release makikinig kami🥰🥰”

“Penge na lang pong tatlong bilyon kasi nasa tamang tao na ako 🩷”

“Yessss Yung mapanakit po sana para lahat malungkot🤣”

“sa ilalim ng xmas tree sa dilaw na xmas light 😁 hehehe Go Gino ♥️”

“christmas song na mapanakit”

“Wag muna di pa nga ko nakakamove on sa ERE tapos gagawa ka nanaman. Next year xmas na.”