Itinala ang “Ere” ni Juan Karlos Labajo bilang kauna-unahang OPM na nakapasok sa global chart ng Spotify noong Linggo, Oktubre 8.

Ayon sa ulat ng chart data, isang music platform, nakuha ng “Ere” ang ika-177 puwesto sa chart na may 1.22 millions.

https://twitter.com/chartdata/status/1711032268406620441

“juan karlos' "ERE" becomes the first Filipino song in history to reach the top 100 on the global Spotify chart, jumping 90 spots to #87 with 1.45 million streams,” dagdag pa ng chart data.

National

17 ‘most wanted’ sa bansa, arestado na ng PNP

Bukod pa diyan, nakuha rin ng “Ere” ang “all-time single day stream record for a song on Spotify Philippines with 1.392 million streams” na noon ay hawak ng “Mine” ni Taylor Swift.

Tila tuloy-tuloy na muli ang pagbabalik ni JK sa kaniyang music career. Sa katunayan, inilunsad niya noong Setyembre ang kaniyang pinakabagong album na “Sad Songs and Bullshit Part 1” na naglalaman ng 9 na kanta kung saan kabilang ang “Ere”. 

Matatandaang nag-abiso si JK na balak umano muna niyang magpahinga sa pagkanta noong kasagsagan ng kaniyang pagiging abala sa promotion ng pelikulang “Ako Si Ninoy” ni Vince Tañada.

MAKI-BALITA: ‘Buwan’ singer JK Labajo, ‘baka tumigil’ muna sa kaniyang music career – Balita