Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng Batangas nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:24 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Calaca, Batangas, na may lalim na 14 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Probinsya

Saya naging disgrasya: Bagon ng ride sa perya nakalas, mga sakay tumilapon!

Intensity V - Lemery, BATANGAS

Intensity IV - Ibajay, AKLAN; Cuenca, Bauan, Sta. Teresita, San Luis, BATANGAS; Tagaytay City, CAVITE; Muntinlupa City, METRO MANILA

Intensity III - Culasi, ANTIQUE; Laurel, Batangas City, BATANGAS; Tagaytay City, CAVITE; Dolores, QUEZON; Donsol, SORSOGON

Intensity II - Talisay, Rosario, BATANGAS; Magallanes, CAVITE; Boac, MARINDUQUE; Las Pinas, Pasay, METRO MANILA; Rosario, NORTHERN SAMAR; Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO; Mauban, Polillo, Gumaca, QUEZON; Taytay, Antipolo, RIZAL

Intensity I - Dinalupihan, BATAAN; Malvar, BATANGAS; Malolos City, Guiguinto, BULACAN; Ternate, CAVITE; Cebu City, CEBU; Candon, ILOCOS SUR; San Pablo, LAGUNA; Tubod, LANAO DEL NORTE; Malabon City, Pateros, San Juan City, Paranaque City, METRO MANILA; Abra De Ilog, Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO; Bani, PANGASINAN; Lucban, Lucena City, Alabat, QUEZON; Tanay, RIZAL; Tupi, SOUTH COTABATO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.