Nasa 15 public utility vehicles (PUVs) ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng anti-colorum operation nito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Huwebes.

Sa pahayag ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ang mga hinuli ay kinabibilangan ng siyam na bus, tatlong UV Express units, dalawang jeep at isang taxi.

“Umpisa pa lang ito ng agresibong operasyon na gagawin ng inyong LTO hindi lamang dito sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa," ani Mendoza.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

"Magsilbi sana itong babala sa mga driver at operator ng mga ‘colorum’ na sasakyan na ito na tumigil na sa iligal nilang gawain," sabi pa ni Mendoza.

PNA