Tila nagparaya na ang "Outstanding Asian Superstar" at Kapamilya Star na si Kathryn Bernardo nang makaabot sa kaalaman niya ang paggaya sa kaniya ni "Baby Eunice" sa mga naging looks niya sa dinaluhang ABS-CBN Ball 2023 at Seoul International Drama Awards.

"I surrender! I think she did it better! 🙌🏻🤍," ani Kathryn sa kaniyang Instagram post nitong Oktubre 11.

Saad pa ni Kath, "I hope to meet you soon, bb eunice!!"

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Si Baby Eunice ay isa sa mga bida sa vlog na "Mama Rochelle & Indai Eunice Vlog."

Sa kaniyang posts, hindi naman makapaniwala si Mama Rochelle na pumatok sa social media at nakarating pa mismo kay Kathryn ang mga larawan ni Baby Eunice.

Nilinaw rin ni Mama Rochelle na katuwaan lamang ito at huwag sanang seryosohin ng bashers.

Kaya nakaabang na ang followers nila kung isang araw, magaganap na ba ang pagkikita nila ni Kathryn.