Hindi pinalagpas ni Megastar Sharon Cuneta ang hanash sa kaniya ng isang detractor matapoos siya nitong sabihang itigil na niya ang pagkukumpara sa kaniyang mga anak, lalo na sa kaniyang panganay na si KC Concepcion na anak sa dating mister na si Gabby Concepcion, at sa mga anak naman niya sa kasalukuyang mister na si Atty. Kiko Pangilinan.

Matatandaang hindi na tinantanan si Mega ng mga akusasyong may favoritism siya pagdating sa mga anak, lalo't inamin nila pareho ni KC sa magkaibang panayam na may mga bagay na hindi sila napagkakasunduan bilang nanay at anak, kahit na marami rin naman silang pagkakatulad sa buhay.

"Then stop comparing ng mga anak mo," komento ng basher sa isa niyang Instagram post.

Buwelta naman ni Shawie, "For the record sa 'yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip - KAYO ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong."

"Plus, WALA KAYONG HALAGA SA AMIN NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA," soplak ng Megastar.

Kaya payo niya sa sawsawerang basher, "Buhay n'yo asikasuhin n'yo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na. Puro kayo tagpi-tagpi o ginagawa."

Photo courtesy: Sharon Cuneta's IG via Fashion Pulis

Samantala, ipinost naman ni Mega ang lumang letter sa kaniya ni KC noong maliit pa lamang ito. Nagbigay rin siya ng mensahe para sa anak na ikinaluha naman ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Sharon pinaiyak ang netizens dahil sa mensahe kay KC