Gumawa ng TikTok video ang partner ng aktor na si Ricardo Cepeda, na si beauty queen-actress Marina Benipayo, hinggil sa pagdakip ng pulisya sa una at pagkakaugnay nito sa 43 counts ng syndicated estafa case at iba pa umanong kaso.

"No hate, please. Just prayers. #NoHate #life," caption ni Marina sa kaniyang TikTok video.

Nakikiusap si Marina na tulungan silang magdasal para kay Ricardo dahil inosente raw ito sa mga akusasyong ibinabato laban sa kaniya.

Nakiusap din siya sa ilang content creators na grabe kung magbigay ng reaksiyon at komento laban kay Ricardo, na sana ay maghinay-hinay lalo't wala silang alam sa mga tunay na pangyayari.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sinabihan na raw silang huwag nang magbasa sa social media ng komento ng mga tao subalit hindi na napigilan ni Marina na magsalita dahil parang sumosobra na raw ang ilan.

"Sana po, before kayo mag-comment, sana kung hindi ninyo kilala ang tao, huwag na lang kayong magsulat," ani Marina.

"Use your social media responsibly," giit ni Marina.

Sa nabanggit na TikTok video ay sinabi nga ni Marina na walang katotohanan ang mga ibinibintang kay Ricardo.

Sa mga hindi raw naniniwala sa kanila ay okay lang at naiintindihan niya, subalit labis siyang nagpapasalamat sa mga taong mas kilala sila at naniniwalang maaabsuwelto si Ricardo.

Matatandaang naglabas na rin ng kaniyang pagtatanggol ang stepson ni Ricardo na si mdoel-athlete Joshua De Sequerra hinggil sa isyu.

MAKI-BALITA: Stepson, dinepensahan si Ricardo Cepeda: ‘My father was wrongly accused!’

MAKI-BALITA: Ricardo Cepeda arestado dahil sa kasong syndicated estafa

Sa panayam naman kay Ricardo, sinabi niyang inosente siya at walang kasalanan.

MAKI-BALITA: Ricardo Cepeda nanindigang inosente, hindi estapador