Hindi makapaniwala ang mga netizen sa ulat na umano'y nakalabas ng bansa ang mag-asawang sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin, na parehong nasasangkot sa akusasyong ₱200-M investment scam sa ilang umano'y na-recruit na overseas Filipino workers o OFW.

Lumabas ang ilang mga OFW na nag-post sa social media kung paano raw sila nahikayat ng mag-asawang Yexel at Mikee na maglagak ng pera sa inoffer nilang ₱200-M investment scam. Hindi pa raw dumarating ang return of investments sa mga taong nagkatiwala ng pera sa kanila.

Nakarating na rin ang isyu sa public affair show na "Raffy Tulfo in Action." Iginiit umano ni Yexel na hindi sila ang may-ari ng investment. Ang mga pera umanong inilagak ng mga investor ay dinala sa isang casino junket.

Sa kabila ng kaliwa't kanang pambebembang at mga ibinabatong paratang sa kanila ng asawa, nag-post ang toy collector at dating miyembro ng all-male dance group na Streetboys tungkol sa isyu.

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao de Oro

Ayon sa kaniyang Facebook post noong Oktubre 6, wala pa siyang opisyal na pahayag patungkol sa bintang na marami umano silang mga nabiktimang overseas Filipino workers o OFW sa isang investment scam.

Aniya, "People wala pa kaming statement ha, paalala lang Ayaw ko lang bumalik sa inyo mga sinasabi nyo

hindi nyo pa alam ang TUNAY na kwento."

Nitong Oktubre 9, pumutok ang balitang nakalipad sa Nagoya, Japan ang dalawa kahit na may isyu pa silang dapat harapin.

Idinulog naman ni Sen. Raffy Tulfo sa pagdinig sa Senado ang tungkol sa tila hindi naging mahigpit na proseso ng Bureau of Immigration (BI) sa celebrity couple.

"Mayroon akong kakilala, kasabay niya sa eroplano itong dalawang magkasintahan sakay ng Cebu Pacific going to Nagoya, Japan. Hindi ko alam kung ito'y tatakas na or baka pupunta doon sa Nagoya para mag-recruit na naman ng investors," pahayag ni Tulfo.

Apela ng senador, baka may way o paraan daw upang mapigilan muna ang pag-alis sa bansa ng dalawa hangga't hindi pa nareresolba ang isyung kinasasangkutan nila.

Ayon naman sa BI, totoong nakaalis nga ng bansa ang dalawa subalit paliwanag nila, wala silang hawak na hold departure order at derogatory record ng dalawa.

Maaari naman daw maglabas ng look-out bulletin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawa kung sakaling may complaint o maghahaing reklamo sa prosecutor's office kontra sa kanila.

Samantala, tila "nagwala" naman ang mga netizen dahil ang mga ordinaryong Pinoy na bumibiyahe raw na simpleng magbabakasyon lamang sa ibang bansa ay nakararanas ng higpit ng BI at paminsan ay nao-off load pa.

"Pero pag ordinaryong mamamayan higpit ng BOI offload agad eto milyon na scam nakalabas pa only in the Philippines..."

"Kapag ordinaryong Pinoy, naku ang higpit-higpit ng BI."

"Bakit kapag mag-tourist ang mga Pilipino madali nila OFFLOAD, tapos itong mikee agustin hindi nila offload."

"Dapat nag file muna ng case bago nyu pinatulfo. Ayan tuloy nakatakas."

"Dapat kasi nagkaso muna bago pina-Tulfo, hayan tuloy nakatakas na hahaha."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Yexel at Mikee tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Yexel Sebastian wala pang statement sa mga akusasyon laban sa kanila ng misis