Bumanat si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa kasalukuyang presyo ng bilihin sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Oktubre 9.

“Sa sobrang mahal ng mga bilihin ngayon, mapapa intermittent fasting ka talaga anteh!” pahayag niya sa kaniyang post.

Matatandaang noong Abril ay kinuwestiyon ni Guanzon ang hindi umano pagsasagawa ng hearing sa senado kaugnay sa inflation rate.

MAKI-BALITA: Guanzon sa Senado: ‘Bakit walang hearing tungkol sa inflation rate?’ – Balita

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sumang-ayon naman ang ilang netizen sa sinabi niya at nagbahagi pa ng iba’t ibang paraan kung maka-cope sa kani-kanilang kinalalagyang sitwasyon. Narito ang kanilang mga komento:

“Totoo madam dahil sa mahal ang bilihin natuto ako mag fasting ung mga anak ko n lng ang binubusog ko haysst 🥺”

“yung meal every other day nalang po🥴”

“Kailangan nating mag budget at magtipid na mga pilipino para may ipanggala ang Presidente at magkapundo Ng Malaki ang confidential fund”

“true..twice meal a day nlng po ako😊..di na kami nag rrice sa gabi”

“Oo nga intermittent fasting para paglaanan mga bayarin sa tax mayors permit🤩”

“‘I think we are lower than that....’ hmm…”

“Maski anong paraan para makamura ng bilihin talagang ang laki na ng itinaas e. 🥴 Yung Ariel/Tide naging Champion. Okay din naman kalidad. Baka sa susunod yung mga tinatakal nalang sa palengke ano (simbako). 🥲 Talagang cost cutting ng malala.”

“Kaya ako nga nakikibalita kung sino at saan may handaan at mag gate crash na lang tayo. Bwahshaha”