Naaliw ang mga netizen sa komento ng biyenan ng aktor na si Patrick Garcia sa kaniyang Instagram post kamakailan.

Nagbahagi kasi si Patrick ng family photo at batay sa caption ng post ay tila may ipinapahiwatig ang aktor sa kaniyang asawang si Nikka Martinez.

“Love, may space pa para sa isa.😍”

Agad namang nagkomento ang biyenan ni Patrick sa post at sinaway ang anak na si Nikka.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Akin yung space na yan! Umayos ka Nikka!🤨”

Tugon naman ng huli: “Ma Si Patrick yan!!!!! Bakit lagi ako??????? 😑😂 @onlypatrickgarcia paki ayos!!!😅😂”

“ayyyy sorry na! Hahaha... again again... umayos ka Patrick! @onlypatrickgarcia 🤨🤨🤨 hahaha,” sagot ng biyenan.

Sey tuloy ni Nikka: “@mamaninikkag 😂😂😂@onlypatrickgarcia lagooooot kaaaaaaaa”

Nag-iwan naman ng “haha emoji” si Patrick bilang tugon sa biyenan.

Samantala, kamakailan lang ay ibinahagi ni Patrick ang kaniyang malaking achievement sa bahay.

MAKI-BALITA: Patrick Garcia, flinex ang malaking achievement sa IG