Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng gabi, Oktubre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:24 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 267 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 68 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

Lalaking nabokya sa E-Bingo, nag-amok at nagnakaw sa pasugalan

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.