May makahulugang post na ibinahagi ang Optimum Star na si Claudine Barreto sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Oktubre 8.

“A few days ago. I got a visit from my volleyball babies. I didn't want them to see me in pain because of certain issues and people who are taking me down again,” kuwento ni Claudine sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “As an ate to my volleyball babies I've to be strong for my little sisters just in case they need me.but they came in full force to embrace, pray for & pray with me.you my volleyball babies thank u for surprising me when I was starting to isolate & gain strength for the battle ahead.Kai @kaibaloaloa @ken_baloaloa thank you so much for the hugs & to comfort me. The battle that i'll be going through. I'm done protecting these people. The witch hunt begins. I've been losing projects left and right because of these two people and their minions. Lalaban na ako”.

Dahil walang binanggit na pangalan si Claudine, palaisipan tuloy sa mga netizen kung sino ang tinutukoy niyang dalawang tao na naging dahilan umano ng kaliwa’t kanang pagkawala ng kaniyang mga proyekto.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Narito ang ilang komento ng netizen:

“Nakapagtataka sino yung dlawang tao na tinutukoy ni claudine,si raymart lng yata ang battle na pinaghahandaan nya magkokorte ulit yata sila dhil s 4 million n kinuha lht dw ni raymart abang abang 😮😮”

“@noorhakkiayob na sobrahan sa pagmamadaling mag pakasal dati kaya ayan ang balik lol dba dalawang beses pa yan sila ikasal ni raymart puro korte nlng masayang masaya pa nga yan si raymart dati namatay si rico yan grr wla rin pala future lol”

“@aivevalero9 correct, hahaha sa pagmamadali ayon isang mangnanakaw pala ang pinakasalan,di na nga kagwapohan ang pinalit ki rico isa pa palang kawatan.😂”

Matatandaang noong nakaraang taon ay inamin ni Claudine na hindi pa rin umano sila okay ng dating asawang si Raymart Santiago.