Puwedeng maningil ng provisional na ₱1 fare increase sa public utility jeepneys (PUJs) kahit walang taripa, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ang abiso ng LTFRB kasabay ng pagsisimula ng implementasyon ng taas-pasahe nitong Oktubre 8.

Binigyang-diin ng ahensya, pansamantala lamang ang taas-pasahe kaya't hindi na sila maglalabas ng fare matrix.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Dahil sa dagdag-pasahe, magiging ₱13 na ang minimum fare sa traditional jeep at ₱15 naman sa modern jeep.

Idinahilan ng LTFRB, magsasagawa pa sila ng pagdinig sa main petition ng mga transport group para sa hirit na ₱5 dagdag-pasahe, sa Nobyembre 24.