Nagbahagi ng video ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa kaniyang Instagram account kamakailan habang sumasayaw kasama ang ate niyang si Toni Gonzaga.

Sa comment section ng nasabing post, tila may napansin ang isang netizen kay Alex. Narito ang kaniyang komento:

“Buntis ata si Alex ❤️❤️❤️”

Tumugon naman ng ilang netizen:

Alex Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa pagbubuntis

“@joycexalexg yes tingin ko din kasi mag 2 weeks na wala siyang bagong vlog. Sana nga Lord buntis na si ALex G”

“@joycexalexg yup i think that time pero sa new post niya parang na part 2 siya ulit😢”

“@jonalyn6102 prang gnun nga ung post.. God is taking care of them.. may His embrace be with them always! @cathygonzaga you’re in my prayers”

“Buntis po. 😍 Nag post sa fb pero ayaw pa nla i announce”

Ang tinutukoy na post ng mga netizen ay ang larawan ni Alex na kuha sa loob ng sasakyan kasama ang asawa niyang si Mikee Morada. Bukod sa larawan, may kalakip ding makahulugang caption ang nasabing post.

“Painful and yet joyful. Cast your cares on the LORD and he will sustain you. He will never let the righteous be shaken. And He did! Today we received a news how God wanted it to be. Thank you Lord Jesus,” pahayag ni Alex.

Dagdag pa niya: “Praying one day by God’s grace we will be able to tell a beautiful testimony on How God answered our prayer. Thank you for the grace that gives us peace and acceptance. It may be painful today but we are joyful that God’s will prevailed. In His own time 🙏🏼”

Matatandaang nagkaroon ng miscarriage si Alex noong 2021 sa una nilang anak ni Mikee dahil umano sa tinatawag na “anembryonic pregnancy”.