
(Manila Bulletin File Photo)
Mahigit ₱118M lotto jackpot, walang nanalo
Walang nakapag-uwi sa jackpot na mahigit ₱118 milyon para sa Super Lotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.
Sinabi ng PCSO, walang nakahula sa winning combination na 47-43-35-20-29-13.
Matatandaang isang mananaya ang tumama ng mahigit ₱188 milyong jackpot noong Oktubre 24, 2022.
Nahulaan ng mananaya ang 6-digit winning combination na 09-03-19-13-20-29.
Dagdag pa ng PCSO, binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.