Inabisuhan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pilipino sa bansang Israel na mag-ingat matapos magdeklara ang naturang bansa ng “State of War alert” nitong Sabado, Oktubre 7.

Nagdeklara ang Home Front Command ng “State of War alert” matapos umanong magpaulan ng rocket fire ang Palestinian group na Hamas sa teritoryong hawak ng Israel, na nagdulot na umano ng pagkasawi ng mahigit 200 katao.

Nasa 2,200 din umanong rockets ang inilagay mula sa Gaza Strip patungong Israel.

Sa isang advisory na inilabas ng DMW, inihayag nitong mahigpit nilang binabantayan, kasama ng Philippine Embassy in Tel-Aviv, Israel (PE-Tel-Aviv) at Migrant Workers Office – Israel (MWO), ang sitwasyon ng mga Pilipino sa apektadong mga lugar sa Israel.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Wala pa naman umanong naiuulat na mga Pinoy na naapektuhan ng naturang kaguluhan.

“Filipino community (FilCom) leaders are in touch with their members. They report that they remain calm and are accounted for. FilCom leaders remain in contact with the Philippine Embassy and MWO,” anang DMW.

“Filipinos in Israel are advised to take specific precautionary safety measures and follow the instructions provided by the Israeli Homefront Command,” dagdag pa nito.

Naglagay rin umano ang DMW at OWWA ng isang 24/7 Task Force Israel Desk para sa mga OFW sa Israel at pamilya ng mga ito.

“Please call Hotline +63 2 1348 or the following WhatsApp and Viber nos: +63 9083268344 | +63 9271478186 | +63 9205171059,” abiso ng DMW.

“One OFW family has sought assistance from the DMW. We have contacted the concerned OFW. She is safe and sound.”

“Please standby for further announcements as the situation develops in Israel,” saad pa nito.