Inamin ng aktor na si Sid Lucero na hindi umano siya fan ng kaniyang amang si Mark Gil na isa ring artista nang sumalang siya sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Biyernes, Oktubre 6.

Tinanong kasi siya ni Tito Boy kung ginagaya raw ba niya ang estilo ng pag-arte ng ama o umiigpaw siya mula sa estilong iyon:

“Kapag napapanood mo siya, may deliberate effort ka ba na ‘I wanna do it differently’ or 'I wanna do it the same way he does it’?”

“It’s funny that you mention that because kapag napapanood ko ‘yung Dad ko, ang unang pumapasok sa akin is, bakit ganoon ‘yung style niya?” sagot ni Sid sabay tawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Sid, magkaiba raw kasi talaga ang estilo nila ng ama pagdating sa pag-arte. Nauunawaan naman umano niya kung bakit nito ginagawa iyon pero hindi raw niya talaga itinuturing ang sarili bilang fan ng ama.

“I know why he does that way. I know why it works. But I don’t consider myself as a fan of my Dad. I feel like his style is very different from mine,” dagdag pa niya.

Sabi tuloy ni Tito Boy: “Iklaro mo nga ‘yun. That’s interesting.”

“For me it’s more like, I kinda feel it more and I base it on me more. Because I believe that kung doon ka manggaling as your real self it becomes more truthful [...] But my Dad is more sexy and smoldering,” paliwanag ni Sid matapos i-demo kay Tito Boy ang pagkakaiba ng acting nilang mag-ama.

Pumanaw si Mark noong Setyembre 1, 2015 sa edad na 52 dahil umano sa liver cirrhosis.

MAKI-BALITA: Mark Gil, pumanaw na