Sa hindi pag-apela ng ABS-CBN para sa noontime show nilang "It's Showtime" matapos ituloy ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang kanilang ipinataw na 12 airing days na suspensyon na magsisimula sa Oktubre 14, nakalinya na rin ang show na pansamantalang papalit dito.

Ang bagong noontime show na papalit dito ay may pamagat na "It's Your Lucky Day" na ang nakalinyang hosts daw ay sina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Negi, at Long Mejia. Si Luis daw ang magiging "kapitan" ng show.

Nabanggit din ang pangalan nina Andrea Brillantes at magkatambal na "FranSeth" na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Eere ang nabanggit na pamalit na noontime show mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27, sa timeslot ng Showtime.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nangako naman ang Showtime na stronger at better silang magbabalik sa ere, lalo na't anniversary na rin nila.

Tamang-tama raw ang suspensyon dahil makapaghahanda sila nang bonggang-bongga sa muling pagbabalik nila sa ere sa Oktubre 28 kung sakaling matapos na ang ipinataw na suspensyon.

Nakapag-taping na raw ang mga host at raratsada na raw ito sa nabanggit ngang araw.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN na hindi na sila aapela pa at igagalang ang desisyon ng MTRCB, subalit iginiit nilang naniniwala silang walang nilabag na batas ang noontime program.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

MAKI-BALITA: ABS-CBN, hindi aapela sa OP kaugnay ng suspensiyon ng It’s Showtime